Nagsagawa ng Harvest Festival at Farmersโ€™ Field Day ang DAโ€“Bureau of Soils and Water Management (DA-BSWM) ABFS Implementation Team ng Region III noong March 4, 2026 sa Barangay Canaynayan, Sta. Cruz, Zambales.

Ito ay bilang pagpapasalamat sa matagumpay na implementasyon ng proyekto, sa masaganang ani ng mga magsasakang kabilang dito, at bilang pagkilala sa pagtutulungan at matibay na samahang nabuo mula nang simulan ang implementasyon ng ABFS sa probinsya.

Dinaluhan ang programa ng ibaโ€™t ibang ahensya ng pamahalaan kabilang ang DA-Regional Field Office III, National Irrigation Administration (NIA) ng Zambales, Office of the Provincial Agriculturist (OPA) ng Zambales, Municipal Agriculture Office (MAO) ng Sta. Cruz, Zambales, at humigit kumulang 104 na magsasaka mula sa Brgy. Canaynayan.

Sa nasabing programa, nagbahagi din ang mga benipisyaryo ng proyekto na patuloy silang gagawa ng mga hakbang upang patuloy na alagaan at palusugin ang kanilang mga lupang sakahan, sa pamamagitan ng mga teknolohiyang naituro sa kanila ng BSWM. | via ABFS Region 3 Implementation Team

#DA

#BSWM

#MasaganangAgrikultura

#MaunladNaEkonomiya

#BagongPilipinas

#ParaSaMasaganangBagongPilipinas

#ABFS