Matagumpay na isinagawa ng DA β Bureau of Soils and Water Management (DA-BSWM), sa pangunguna ng Compost Production Implementation Team (CPIT), ang Level II β Composting 101: Learning and Development Program para sa mga benepisyaryo ng Composting Facility for Biodegradable Waste (CFBW) noong Hulyo 15β17, 2025 sa Nathaniel Hotel, Daet, Camarines Norte.
Dumalo sa tatlong-araw na pagsasanay ang mga kalahok mula sa ibaβt ibang sektor ng Camarines Norte at Camarines Sur kabilang ang mga kinatawan mula sa Farmersβ at Irrigatorsβ Associations, Rural Improvement Clubs (RICs), Learning Sites (LS), State Universities and Colleges (SUCs), at mga opisyal mula sa Barangay at Municipal Local Government Units (BLGUs at MLGUs).






Tampok sa programa ang mga teknikal na kaalaman at kasanayang kailangan upang mapahusay ang operasyon ng mga CFBW facilities tulad ng kumpletong proseso ng compost production, tamang teknik at materyales sa composting, pagkuha ng soil sample at paggamit ng Soil Test Kit (STK), adaptive Balanced Fertilization Strategy at pagsusuri sa kalidad ng compost bilang suporta sa circular agriculture.
Ang programang ito ay bahagi ng pagpapatupad ng Republic Act No. 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000, na naglalayong itaguyod ang composting, source reduction, at recycling bilang pangunahing hakbang sa pagbabawas ng basura.



