Pinangunahan ng DA-Bureau of Soils and Water Management (DA-BSWM) ang topographic at socio-economic surveys sa Brgy. Tubo-tubo, Dinalupihan, Bataan noong Marso 17-18, 2026, bilang paghahanda sa pagtatayo ng Sustainable Land Management Exemplar Sites (SLMES) sa ilalim ng Manila Bay Rehabilitation Project (MBRP) para sa taong kasalukuyan.

Katuwang ng DA-BSWM ang Municipal Agriculture Office (MAO) ng Dinalupihan at mga farmer-cooperator sa topographic survey, na siyang magiging batayan sa paggawa ng ibaโ€™t ibang mapa at plano kaugnay ng pagpapaunlad ng SLMES.

Samantala, ang socio-economic survey naman ay magsisilbing baseline ng mga datos na kalaunan ay maaaring gamitin sa pagsusuri ng benepisyo ng proyekto sa mga magsasaka.

Ang mga nasabing gawain ay mga hakbang upang masiguro na magiging maayos ang implementasyon ng proyekto.

Team Leaders: Engr. Aliza Nicole B. Andes, Ms. Lenieann M. Torres

Team Members: Ms. Sharmaine Ann C. De Leon, Mr. Ghar Christian R. Tesorero

#DA

#BSWM

#MasaganangAgrikultura

#MaunladNaEkonomiya

#BagongPilipinas

#ParaSaMasaganangBagongPilipinas

#SLM