Sa kabila ng matinding pag-ulan dulot ng habagat, higit 320 delegado mula sa Regional Field Offices, mga yunit ng Lokal na Pamahalaan, at mga grupo ng magsasaka ang dumalo sa culminating activity ng Pilot Mobile Soil Laboratory (MSL) deployment ng Department of Agricultureโ€“Bureau of Soils and Water Management (DA-BSWM) sa Palayan City, Nueva Ecija nitong ika-22 ng Hunyo 2025.

Ang aktibidad ay hudyat ng pagtatapos ng tatloโ€™t kalahating buwang operasyon sa 32 lungsod at bayan, na layuning paigtingin ang kalusugan ng lupa sa pamamagitan ng Accessible, Available, at Accurate (3Aโ€™s) na solusyon. Sa panahon ng deployment, sumailalim ang mga magsasaka sa pagsasanay hinggil sa tamang pagkuha ng soil samples, paggamit ng test kits, interpretasyon ng resulta ng laboratoryo, at paggamit ng Fert Right App para sa angkop na rekomendasyon sa pataba. Pormal ding itinurn-over ng DA-BSWM ang Soil Health Map at Soil Health Monitoring Report na naglalaman ng mahahalagang datos ukol sa kalagayan ng lupa at partikular na gabay sa paggamit ng pataba sa bawat bayan.

Ibinahagi ng mga magsasaka ang naging positibong epekto ng MSL sa kanilang ani at kaalaman sa tamang paggamit ng pataba. Dinaluhan din ang programa ng mga pangunahing opisyal tulad nina DA Assistant Secretary for Logistics Hon. Daniel Alfonso N. Atayde, DA RFO 3 Regional Executive Director Dr. Eduardo L. Lapuz Jr., Nueva Ecija Vice Governor Hon. Gil Raymond M. Umali, Provincial Administrator Atty. Jose Maria Ceasar C. San Pedro, Palayan City Mayor Hon. Viandrei Nicole Cuevas, Acting Provincial Agriculturist Dr. Jovita Agliam, at Zambales Provincial Agriculturist Mr. Crisostomo Rabaca. Ipinakita ng kanilang presensya ang matatag na suporta ng pamahalaan sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura at sa pagsusulong ng mas makakalikasang pagsasaka sa rehiyon. | via Chinalyn B. Bejes, Information Office and Sheila Mae Bautista, LSD