Pinangunahan ni Engr. Roger V. Navarro, Undersecretary for Operations and Agri-Fisheries Mechanization, Department of Agriculture at Dr. Gina Parde-Nilo, Ph.D., BSWM Director ang isinagawang Memorandum of Agreement (MOA) signing para sa implementasyon ng Mobile Soil Laboratories (MSL) nitong ika siyam ng Oktubre, 2025 sa BSWM Lopez Convention Hall. Ito ay dinaluhan ng mga Regional Executive Directors, Integrated Laboratory Division Chiefs, at Regional Soil Laboratory Chiefs na siyang magiging katuwang ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Soils and Water Management (BSWM) upang maipa-abot ang serbisyo ng MSL.


Alinsunod sa direktiba ng ating Pangulo, ang MSL ay itinatag at ipinamahagi sa lahat ng rehiyon sa bansa upang maipa-abot ang dekalidad at science-based na soil laboratory services, na siyang makakatulong sa magsasaka na siguraduhing malusog ang lupa at higit na mapataas ang ani at kita. Naaayon dito, ang MOA ay naglalaman ng mga tungkulin at gampanin ng DA – BSWM at mga DA Regional Field Offices na siyang magsisiguro ng matagumpay na implementasyon ng proyekto.





Sa kanilang mga talumpati, binigyang diin ni USec Navarro at ni Director Nilo ang kahalagahan ng Soil Testing, at ang mga naging accomplishment ng implementasyon ng Pilot MSL sa lalawigan ng Tarlac at Nueva Ecija. Dito ay nakapag serbisyo na ang MSL sa higit limampung (50) munisipalidad at siyudad na mayroong tatlong libo at dalawang daang (3200) hektarya ng lupang sakahan, at isang libo at walong daan (1800) na magsasaka at agricultural extension workers.




Nagpahayag din si Director Nilo ng integrasyon ng MSL sa implementasyon ng โNational Soil Health Volunteers Programโ na naglalayon na patuloy na paigtingin ang karunungan ng mga magsasaka sa kahalagahan ng soil testing.




Matapos ang paglalagda, nagpahayag ng Message of Commitment ang mga opisyal mula sa DA Regional Field Offices at Local Government Unit ng Palawan, na pinangunahan nina DA RFO XI Regional Executive Director Macario D. Gonzaga, DA RFO VII Regional Executive Director Angel C. Enriquez, CESO III, at LGU Palawan Board Member Hon. Juan Anton Alvarez. Sa kanilang mga talumpati, isinalarawan ng mga opisyal ang MSL bilang isang โgame-changerโ na interbensyon dahil mabibigay nito ang 3As – Accessible, Available, at Accurate Solutions sa Soil Health.
BSWM PD 1435 and NSHP Secretariat
BSWM Information Unit
#DA #BSWM #MasaganangAgrikultura #MaunladNaEkonomiya #BagongPilipinas #ParaSaMasaganangBagongPilipinas #AgriFisheryR4DWeek



