๐๐จ๐ฅ๐๐ซ ๐๐จ๐ฐ๐๐ซ๐๐ ๐๐ซ๐ซ๐ข๐ ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ฒ๐ฌ๐ญ๐๐ฆ ๐ฌ๐ ๐๐จ๐จ๐ ๐ ๐๐ง๐ ๐๐, ๐๐ข๐ง๐๐ฌ๐ข๐ง๐๐ฒ๐๐๐ง
Pinangunahan ngayong araw, Oktubre 9, ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. ang pagpapasinaya ng isa sa 16 na units ng Solar Powered Irrigation System (SPIS) sa Looc I and II. Ito ay ginanap sa Brgy. Looc, Nasugbu, Batangas kung saan mismo itinayo ang imprastruktura. Ito ay dinaluhan ng mga miyembro ng Looc Samahan Walang Iwanan sa Agrikultura, sa pamumuno ng Presidente nito na si Mr. Domingo M. Bautista, na kinatawan ng Bise Presidente ng Samahan na si Mr. Basilio C. Rufo.
Sa pagpapaigting ng layunin na mabigyan ng patuloy na patubig ang mga miyembro ng Looc Samahan Walang Iwanan sa Agrikultura, sa Brgy. Looc, Nasugbu, Batangas. Tinatayang 34 na rice farmers ng 50 ektaryang sakahan ang matutulungan sa pamamagitan ng itinayong SPIS.
Ang SPIS ay isang kongkretong suporta para sa ating mga magsasaka upang magkaroon sila ng mas maaasahan at tuloy-tuloy na mapagkukunan ng tubig para sa kanilang mga pananim, lalo na sa inaasahang epekto ng super El Niรฑo.
Nang makapanayam, inihayag ni Mr. Rufo ang lubos nilang pasasalamat sa Department of Agriculture sa pamamagitan ng Bureau of Soils and Water Management, para sa ipinagkaloob na SPIS.
Ang mahalagang yugtong ito ay inorganisa ng DA-Bureau of Soils and Water Management (DA-BSWM) sa ilalim ng pamamahala ni Director Denise A. Solano, sa pamamagitan ng Water Resources Management Division, sa pakikipag ugnayan sa Regional Field Office CALABARZON, sa ilalim ng pamamahala ni OIC Regional Executive Director Engr. Redelliza A. Gruezo. Ang pagpapasinaya na ito ay dinaluhan din ni Department of Agriculture Assistant Secretary for Agro-Marine Industrial Systems, National and Regional Infrastructures Engr. Brando C. Aguilera, at ng Alklade ng Nasugbu, Batangas – Mayor Antonio Jose A. Barcelon.
(Ara Krizele L. Alcoriza, Info)



















#DABSWM#BSWM#BSWMBagongPilipinas#SPIS#LupatTubigParaSaAgrikultura



