Matagumpay na isinagawa noong Oktubre 1, 2025 sa bayan ng Botolan, Zambales ang huling yugto ng โHands-on Training and Capacity Building for Farmer Cooperators/Stakeholders on the DA-BSWM Bio-enriched Spent Mushroom Substrate (BioSMS) Soil Conditioner Technologyโ sa ilalim ng National Soil Health Program ng Department of Agriculture โ Bureau of Soils and Water Management (DA-BSWM).






Layunin ng aktibidad na palawakin ang kaalaman at kakayahan ng mga magsasaka sa paggamit ng teknolohiyang BioSMS Soil Conditioner upang mapabuti ang kalidad ng lupa at mapataas ang ani sa paraang ligtas at sustenable.
Ang nasabing pagsasanay ay nilahukan ng 44 participants na binubuo ng mushroom at vegetable growers, at technical staff mula sa Provincial Agriculture Office – Zambales at Municipal Agriculture Office – Botolan. Itinuro sa mga kalahok ang paggawa ng Liquid Organic Plant Supplements (LOPS) tulad ng Indigenous Microorganisms (IMO) at Oriental Herbal Nutrient (OHN), gayundin ang wastong paggamit ng BioSMS soil conditioner. Pinangunahan nina Bb. Jacqueline S. Rojales, Bb. Vicky T. Dimaano, G. Jerry Paul P. Arciaga, at Bb. Digna R. Allag mula sa DA-BSWM ang mga lectures at demonstration na nagbigay ng praktikal na kaalaman ukol sa paggamit ng mga organikong pataba at makabagong teknolohiya sa pangangalaga ng lupa.






Isinagawa rin ang socio-economic interview upang masuri ang kasalukuyang kalagayan ng mga farmer-cooperators at matukoy ang mga kinakailangang interbensyon para sa pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan at produksyon.






Bilang bahagi ng programa, nagbahagi ng kanilang mga mensahe sina G. Ramon D. Dolojan mula sa Municipal Agriculture Office ng Botolan, Bb. Vhida A. Duran, Provincial Research Coodinator ng Zambales, Bb. Jacqueline S. Rojales, Senior SRS ng BSWM, at Bb. Gerlie L. Manga, Founder ng NextGen Mushroom Growers Association. Ipinahayag nila ang pasasalamat sa aktibong partisipasyon ng mga kalahok at sa dedikasyon ng mga tagapagsanay mula sa DA-BSWM sa patuloy na pagsusulong ng mga programang tumutugon sa pangangailangan ng mga magsasaka.






Nauna ng isisnagawa ang pagsasanay na ito sa Tuburan, Cebu (Agosto 14, 2025) at Claveria, Misamis Oriental (Septyembre 10, 2025).
(Joann O. Allas, SWRRD)



