Dinaluhan ng 155 magsasaka at mga opisyal ng lokal na pamahalaan ang isinagawang Farmers Field Day at Harvest Festival sa Brgy. Pook, Kalibo, Aklan para sa proyektong National Soil Health Program – Adaptive Balanced Fertilization Strategy (NSHP-ABFS) para sa Palay ng Department of Agriculture – Bureau of Soils and Water Management (DA-BSWM) sa pamamagitan ng Soil and Water Resources Research Division (SWRRD) nitong ika-8 ng Abril 2026.








Layunin ng aktibidad na ipakita ang kahalagahan ng ABFS na kung saan pinahahalagahan ang tamang paggamit ng organiko at in-organikong pataba na may angkop na sustansya upang matustusan ang nutrisyunal na pangangailangan ng pananim at matiyak na mapanatiling malusog ang lupa para magkaroon ng masaganang ani sa mahabang panahon.





Ang mga nagsipagdalo ay pingangunahan nina Hon. Philip Y. Kimpo, Vice-Mayo; Atty. Christine C. Dela Cruz, Sangguniang Bayan, Committee on Agriculture; Mr. Uriel M. Las Piรฑas, Municipal Agricultural Officer; Kgwd. Wilfredo Malacas, Committee on Agriculture; Ms. Ilyn D. Belinario, APCO-Aklan, DA-RFO VI; Mr. Michael A. Magan, SRS II-RCPC, DA-RFO VI; Ms. Margeline A. Dela Rosa, President, Pook Farmers Association.





Masigla, masaya at puno ng pag-asa ang pakikilahok ng mga magsasaka sa proyekto. Bago ang nasabing aktibidad nagsagawa ang grupo ng SWRRD ng soil sampling sa 100 ektaryang palayan, layunin nito na masuri ang lupa pagkatapos na gamitin ang ABFS protocol at recommendation para sa Palay. Nagkroon din ng panayam sa mga magsasaka para makuha ang datos para sa nasabing proyekto.



