Oktubre 23, 2025 Sa pangunguna ng Soil and Water Resources Research Division (SWRRD) ng DA-Bureau of Soils and Water Management (DA-BSWM), matagumpay na ipinagdiwang ang harvest festival para sa rice cropping sa Pasuquin, Ilocos Norte na dinaluhan ng 56 na farmer cooperators ng Susugaen Farmers and Fishermen Association, kasama ang mga kinatawan ng LGU Pasuquin. Ito ay bahagi ng National Soil Health Program- Adaptive Balanced Fertilization Strategy (NSHP-ABFS) for High Value Crop- Rice/Garlic. Ang nasabing harvest festival ay sumailalim sa pakikipagtulungan ng mga magsasaka upang mapataas ang ani at mapanatiling malusog ang lupa. Dagdag pa rito, naipakita sa harvest festival ang maaaring matipid ng mga magsasaka sa paggamit ng abono kung susunod sa gabay sa tamang nutrient management na itinuturo sa nasabing ABFS program habang natitiyak ang sapat na suplay ng pagkain para sa bawat pilipino.
















Pinaabot ng mga farmer cooperators ang kanilang labis na kagalakan dahil sila ay isa sa mga napiling beneficiaries at kanilang ipinahatid ang patuloy na suporta sa kasunod na yugto ng programa ngayong darating na garlic cropping season. || via Jerry Paul P. Arciaga, SWRRD
#DA #BSWM #DABSWM #BSWMBAGONGPILIPINAS #MasaganangAgrikultura #MaunladNaEkonomiya #BagongPilipinas #ParaSaMasaganangBagongPilipinas



