Matagumpay na naisagawa ng DA-Bureau of Soils and Water Management (DA-BSWM) ang isang Technical Briefing at Capacity Building sa Brgy. Bai Saripinang, Bagumbayan, Sultan Kudarat. Ang inisyatibong ito ay dinaluhan ng 80 lokal na opisyal at magsasaka na layuning itampok ang Adaptive Balanced Fertilization Strategy (ABFS) bilang susi sa pagpapataas ng antas ng produksyon ng mais at pagpapabuti ng soil health sa rehiyon.

Sa pangunguna ng mga teknikal na eksperto ng BSWM, tinalakay ang mga komprehensibong protocol na mahalaga sa modernong pagsasaka. Kabilang sa mga binigyang-diin ang wastong implementasyon ng ABFS, plant nutrient management, pag-aaral sa katangian ng lupa, at ang tamang paraan ng pagkuha ng soil samples. Nagbahagi rin ng mga estratehiya ang kagawaran sa epektibong pagsugpo sa mga peste at sakit na madalas pumipinsala sa mga maisan.

Ang nasabing pagsasanay ay naglayong bigyang-kakayahan ang lokal na kooperatiba sa pamamagitan ng paggamit ng siyentipikong datos at makabagong teknolohiya. Sa pamamagitan ng mga estratehiyang ito, inaasahang mas mapapalago ng mga magsasaka ang kanilang ani, mababawasan ang gastos sa produksyon, at masisiguro ang isang mas masagana at matatag na kabuhayan. | via Sarah Casacop, SCMD.

#DA #BSWM #MasaganangAgrikultura #MaunladNaEkonomiya #BagongPilipinas #ParaSaMasaganangBagongPilipinas