Skip to content

Mahal ang abono pero kailanganpa rin ng palay na kumain

Rationale

Upang MAKATIPID at MAKASULIT sa paglalagay ng ABONO, sundin ang tamang EAT

 

Rationale

1. Gumamit ng organiko at inorganikong pataba. Huwag inorganikong pataba lang.

Nakakatulong upang mapataas o mapanatili ang nilalamang organic matter na siyang nagpapanatili ng sustansiya at halumigmig ng lupa.
 
Nasisigurong mataas ang ani habang pinangangalagaan ang katabaan o sustansiya basta’t tama ang damit at panahon ng paglalagay ng organiko at inorganikong pataba.

Pagsamahin ang organiko at inorganikong pataba

Sa paggamit ng organikong pataba:

  • Napapa nitong buhaghag ang lupa
  • Pinapapabuti nito ang kakayahan ng lupa na humawak ng tubig o ang tinatawag na water-holding capacity.
  • Mas madaling makuha ng mga ugat ang palay ang sustansiya mula sa lupa.
Pinapadami rin nito ang mga organismong makatulong sa halaman sa pagkuha ng sustansiya mula sa abono.

 

2. Piliin ang combo-sustansiya na swak sa’yo

Maaring makatipid ng hanggang P 4,000 sa paggamit ng pinaghalong organiko at inorganikong pataba.
 
Mamili ng tamang kombinasyon ng organiko at inorganikong pataba.
 

3. Kung gusto ng gabay sa mas saktong pag-aabono, gumamit ng Leaf Color Chart, Minus-One-Element Technique, Rice Crop Manager, o Soil Test Kit

4. Leaf Color Chart/Leaf Color Computing (LCC) App

Sinusukat ang dami ng nitroheno ng palay gamit ang “ruler” na may apat na tingkad ng pagka-berde ng dahon, o ang ICT-Based mobile app na maglilitrato ng dahon.

 

5. Minus-One-Element Technique (MOET) Kit at MOET App

Gamit ang eksperimento sa lupang nasa paso katuwang ng ICT-based application ay natutukoy ang kakulangan ng sustansiya ng lupat at dami ng sustansing idaragdag para sa minimithing dami ng ani.

6. Rice Crop Manager Advisory Service (RCMAS)

Isang ICT-Based platform na nagbibigay ng tiyak na rekomendasyon sa tamang sustansiya at pamamahala ng palay.

 

7. Soil Test KIT (STK)

Mabilis na paraan sa pagtukoy ng soil health at pagtugon sa kaukulang sustansiyang kinakailangan ng lupa ayon sa pananim.

NATIONAL SOIL HEALTH PROGRAM

© 2023

FOR MORE INFORMATION

Department of Agriculture - Bureau of Soils and Water Management
SRDC, Bldg. Elliptical Road Corner Visayas Avenue, Diliman, Quezon City
customers.center@bswm.da.gov.ph
8273-2474 LOCAL 3202

FOLLOW US