Dumalo ang humigit-kumulang isang daan at labing-apat (114) na benepisyaryo ng ABFS at mga kinatawan ng lokal na pamahalaan sa Bongabong, Oriental Mindoro para sa isang makabuluhang Harvest Festival at Farmers’ Field Day na isinagawa ng DA–Bureau of Soils and Water Management (DA-BSWM) sa pamamagitan ng Soils Survey Division (SSD) noong Abril 8, 2026 sa Brgy. Dayhagan. Ang aktibidad ay isinagawa sa ilalim ng National Soil Health Program – Adaptive Balanced Fertilization Strategy (NSHP-ABFS).

Ipinamalas ng mga kasapi ng Dayhagan Farmers Association ang kanilang mga natamong tagumpay sa paggamit ng makabagong teknolohiyang pang-agrikultura. Sa 100 ektaryang techno-demo site, napatunayan na ang balanseng paggamit ng pataba at wastong pamamahala ng lupa ay nakatutulong hindi lamang sa pagtaas ng ani at kita kundi pati sa pagpapanatili ng sustainable na produksyon. 

Nakiisa rin sa programa ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, kabilang ang Department of Agriculture – Regional Field Office (DA-RFO) IV-B na kinatawan ni Mr. Arjay Burgos, ang National Irrigation Administration (NIA) – Oriental Mindoro na kinatawan ni Ms. Eirece Gabayno, at ang Office of the Provincial Agriculturist na kinatawan ni Engr. Christian Generato. Dumalo rin sina Mr. Garry Louie Sapinit, Municipal Agriculturist ng Bongabong, at Hon. Rodrigo Fabregas, Barangay Captain, bilang suporta sa mga magsasaka.  

Ipinapakita ng inisyatibong ito na sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya at matibay na pagtutulungan ng pamahalaan at mga samahan ng magsasaka, makakamit ang mas mataas na ani at mas matatag na kabuhayan para sa komunidad. Ayon sa naunang mga datos na nakolekta, umabot sa average na 8.5 tonelada bawat ektarya. | via ABFS Region IVB Implementation Team

#BagongPilipinas

#ParaSaMasaganangBagongPilipinas

#DABSWM

#ABFS

#SoilHealth