Noong Pebrero 10, 2026, isinagawa ng DA-BSWM – Soil Conservation and Management Division (SCMD) ang isang topographic survey para sa itatayo na Sustainable Land Management Exemplar Site (SLMES) sa Brgy. San Jose, Luisiana, Laguna. Sinundan ito ng katulad na aktibidad noong Pebrero 25, 2026, sa Brgy. Daine II, Indang, Cavite.
Layunin ng aktibidad na ito na makakalap ng mahahalagang detalye at impormasyon para sa epektibong pagpaplano at pagdidisenyo ng farm plan ng isang SLMES. Partikular na nakatutulong ang survey na ito sa pagtukoy ng topograpiya at mga katangian ng lupain. Mahalaga ang mga datos na ito sa pagpapasya kung ano ang angkop na pamamaraan ng pagsasaka at mga hakbang sa wastong pangangalaga ng lupa upang maiwasan ang erosyon o pagka-agnas nito.
Ang SLMES ay isang magsisilbing modelo upang maipakita sa komunidad ang wastong at epektibong sustenableng ]araan ng pamamahala sa anyong lupa.
Team Leader: Engr. Aries V. Tayao, Engr. Josephroel C. Guillermo, Team Members: John Renzh P. Acta, Mary Jemwill L. Lopez | via John Renzh Acta, SCMD
#DA #BSWM #MasaganangAgrikultura #MaunladNaEkonomiya #BagongPilipinas #ParaSaMasaganangBagongPilipinas















