Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Pangangalaga sa Lupa (Soil Conservation Month) ngayong Hunyo na may temang Lupa: Pagkain, Seguridad, Buhay, matagumpay na nagsagawa ang DA – Bureau of Soils and Water Management (DA-BSWM), sa pamamagitan ng Sustainable Land Management in Corn-Based Sloping Areas (SLM-Corn) Project, ng Tree Planting Activity ngayong ika-10 ng Hunyo 2026 sa Barangay Capihan, Libona, Bukidnon, Region X.
Ang buwan ng Hunyo ay opisyal na idineklara bilang Soil Conservation Month sa bisa ng Department Order Blg. 2, s. 1997, at muling ipinagtibay sa pamamagitan ng Administrative Order No. 16, s. 2007. Sa pagdiriwang ngayong taon, muling itinatampok ang mahalagang papel ng lupa bilang pinagmumulan ng pagkain, tagapagtatag ng seguridad, at sandigan ng buhay. Sa pamamagitan ng pangangalaga at pamamahala ng ating mga likas na yaman, naipapakita ang ating malasakit sa kapaligiran at natitiyak ang kasapatan ng agrikultura hindi lamang para sa kasalukuyan, kundi para sa mga susunod pang henerasyon.
Pinangunahan ang aktibidad ni Engr. Eduardo V. Alberto, Chief ng Soil Conservation and Management Division (SCMD-BSWM), kasama ang Department of Agriculture – National Corn Program (DA-NCP) sa pangunguna ni Director Abel F. Wagas. Kabahagi din sa aktibidad ang iba’t ibang tanggapan at organisasyon tulad ng Department of Agriculture – Regional Field Office X, Local Government Unit ng Libona, Municipal Agriculture Office ng Libona, Sangguniang Barangay ng Capihan, at ang Bubunawan Buganay Farmers Association.
Sa pamamagitan ng gawaing ito, muling pinagtitibay ng DA-BSWM ang kanilang pangako sa pangangalaga at konserbasyon ng ating yamang lupa at sa pagtataguyod ng mga programang sumusuporta sa agrikultura at pangangalaga sa kapaligiran. | via Jasmin Q. Llusala, Mary Blaze Theres D. Merjudio, Jill B. Magsuci, SCMD
#DA #BSWM #MasaganangAgrikultura #MaunladNaEkonomiya #BagongPilipinas #ParaSaMasaganangBagongPilipinas #SustainableLandManagement #Sama-samaTungoSaLupangMasagana #SaLupaMagmumula















