Sa pagdiriwang ng Desertification and Drought Day (DDD) 2026 ngayon araw, Hunyo 17, 2026,  na may temang “Rangelands: Recognize. Respect. Restore.“, binibigyang-diin ng Department of Agriculture – Bureau of Soils and Water Management (DA-BSWM) ang mahalagang papel ng ating mga rangelands o pastulan sa bansa.

​Hindi lamang ito mga simpleng damuhan o pastulan; ang mga rangelands ay pundasyon ng ating seguridad sa lupa at tubig, at proteksyon sa ating likas na yaman. Sa pamamagitan ng mga soil conservation initiatives at sustainable land management technologies, kaya nating labanan ang banta ng pagkasira at pagkatuyo ng ating lupa, climate change, at pagkawala ng ating biodiversity. 

​Kilalanin natin ang halaga nito, igalang ang kalikasan, at ibalik ang sigla ng ating mga lupain. Sama-sama nating pangalagaan ang lupa para sa mas masaganang kinabukasan.

Taun-taon tuwing Hunyo 17, ipinagdiriwang ng mundo ang DDD upang itaguyod ang kamalayan ng publiko ang pangangailangan na labanan ang pagkasira ng lupa at bawasan ang mga malalang epekto ng tagtuyot.

Disenyo ni: Engr. Jethro M. Miñano

#DesertificationAndDroughtDay #UNited4Land #DA #BSWM #MasaganangAgrikultura #MaunladNaEkonomiya #BagongPilipinas #ParaSaMasaganangBagongPilipinas #SustainableLandManagement