Matagumpay na naisagawa ng Soil Conservation Management Division (SCMD) ng DA – Bureau of Soils and Water Management (DA-BSWM) ang 2026 Year-End Assessment and Planning Workshop for Watershed Development and Management of Small Water Impounding System sa Koronadal City, South Cotabato, noong Oktubre 26–28, 2026.

Sinimulan ang aktibidad sa pamamagitan ng pambungad na pananalita ni Engr. Abraham A. Onotan, Regional Technical Director (RTD) for Research and Regulations, Department of Agriculture – Regional Field Office XII (DA-RFO XII). Sinundan ito ng mensahe na nagbibigay-inspirasyon mula kay OIC Assistant Director Engr. Eduardo V. Alberto, DA-BSWM, na nagpahayag ng kanyang patuloy at buong suporta sa proyekto. 

Tinalakay naman ni Engr. Evangeline F. Dacumos, OIC-SCMD ang layunin ng programa at tunguhin ng proyekto. Malugod na tinanggap ni Engr. Bony P. Dela Cruz, Engineer IV, SCMD ang mga kalahok mula sa iba’t ibang Regional Field Offices at Local Government Units, kabilang ang mga kasalukuyan at mga inaasahang magiging katuwang sa pagpapatupad ng proyekto. Sa dulo ng programa ay inihayag ng mga kalahok at katuwang na stakeholders ang kanilang suporta at dedikasyon sa proyekto. 

Layunin ng aktibidad na ito na talakayin ang matagumpay na pagpapatupad ng proyekto sa taong ito, planuhin ang mga gawain para sa taong 2027, at pagnilayan ang mga aralin at hamong naranasan sa pagpapatupad ng proyekto sa kasalukuyang taon.   | via Engr. Josh Villacorte, Project Development Officer I, SCMD

#DA #BSWM #MasaganangAgrikultura #MaunladNaEkonomiya #BagongPilipinas #ParaSaMasaganangBagongPilipinas