Humigit-kumulang 50 magsasaka na benepisyaryo ng Adaptive Balanced Fertilization Strategy (ABFS) for Cornang nakiisa sa Farmers’ Field Day Harvest Festival ng dilaw na mais ginanap noong ika-9 Oktubre 2026, sa Barangay Libaong, San Remigio, Cebu.
Ang nasabing pagdiriwang ay bahagi ng National Soil Health Program (NSHP) at pagsisikap na mapalakas ang produktibidad ng mga magsasaka ng mais sa pamamagitan ng angkop na teknolohiyang pangsakahan. Nagbigay-diin rin ang aktibidd sa kahalagahan ng wastong pamamahala sa sustansiya ng lupa at paggamit ng angkop na pamamaraan ng pagpapataba upang masuportahan ang produktibidad ng mga sakahan ng mais.
Dumalo sa pagtitipon ang mga kinatawan ng Provincial Local Government Unit (PLGU) ng Cebu, Local Government Unit (LGU) ng San Remgio, Department of Agriculture–Regional Field Office VII (DA-RFO VII), iba pang stakeholder, at magsasakang kalahok sa 100-ektaryang ABFS Yellow Corn Technology Demonstration.
Nakiisa rin sa aktibidad si DA-BSWM OIC Assistant Director Engr. Eduardo V. Alberto, na binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga ahensya at iba pang katuwang sa sektor ng agrikultura upang mapabuti ang kalagayan at kabuhayan ng mga magsasaka.
Ayon sa kaniya, mahalagang bahagi ng pagpapaunlad ng produksyon ng mais ang wastong pamamahala sa soil fertility o sustansiya ng lupa. Sa pamamagitan ng mas angkop na mga estratehiya sa pagpapataba, higit na mauunawaan at matutugunan ang pangangailangan ng pananim, alinsunod sa kondisyon ng lupa at pangangailangan ng sakahan.
Nagsisilbing pagkakataon din ang field day harvest festival upang maipakita sa mga magsasaka ang aktuwal na aplikasyon ng teknolohiyang ABFS sa produksyon ng dilaw na mais at mapalawak ang palitan ng kaalaman sa pagitan ng mga eksperto, institusyon, at mga komunidad ng magsasaka.
Sa pamamagitan ng DA-BSWM NSHP at mga gawaing tulad ng ABFS technology demonstration, patuloy na isinusulong ng DA-BSWM ang pagpapalakas ng kaalaman at kakayahan ng mga magsasaka sa pangangalaga sa kalusugan ng lupa. Layunin nitong suportahan ang mas efficient na paggamit ng mga pataba, angkop na pamamahala sa sakahan, at napapanatiling produksyon ng agrikultura.
Nanguna sa pagsasakatuparan ng aktibidad ang ABFS Region VII team sa pangunguna ni Leolito D. Siase, Soil and Water Access Team (SWAT) Team Leader at Supervising Science Research Specialist (SRS), kasama sina Mauro Q. Dela Cruz Jr., Science Research Specialist I (SRS I); Jhunrie C. Tejadillo at Ronan John A. Dulay, kapwa Science Research Assistant (SRA); Wendy Grace D. Venturina, Administrative Officer III (PA III); Yasmin M. Labin, Administrative Assistant III (AA III); at Madelyn Mae Ramboyon, Administrative Aide V (AA V). Sa pamamagitan ng kanilang sama-samang pagsisikap, patuloy na naihahatid ng DA-BSWM ang mga angkop na teknolohiya at kaalaman sa pamamahala ng lupa sa mga magsasaka bilang suporta sa mas produktibo at napapanatiling produksyon ng mais. | via JEFechalin
DA #BSWM #MasaganangAgrikultura #MaunladNaEkonomiya #BagongPilipinas #ParaSaMasaganangBagongPilipinas































