Pinarangalan ang DA-Bureau of Soils and Water Management (DA-BSWM) sa pagdiriwang ng 2026 Municipal Farmers’ and Fisherfolk’s Month na inorganisa ng Local Government Unit (LGU) sa Abucay, Bataan noong Mayo 13, 2026. 

Kinilala ang DA-BSWM sa kanilang natatanging pakikiisa, walang-sawang suporta at makabuluhang ambag sa pagsusulong at pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura sa bayan ng Abucay. 

Bago ang nasabing parangal, nagkaroon ng pagkakataon ang DA-BSWM, sa pamamagitan ng Soil Conservation and Management Division (SCMD), na magbigay ng dagdag na kaalaman tungkol sa Sustainable Land Management (SLM) sa mga magsasaka at iba pang stakeholders na dumalo sa paunang programa ng  Farmers’ and Fisherfolk’s Month noong Mayo 11, 2026.

Isinagawa ang nabanggit na selebrasyon upang bigyang-pugay ang mga magsasaka, mangingisda, mga indibidwal, at mga institusyon na naging kaagapay ng bayan ng Abucay sa pagsasakatuparan ng mga programang pang-agrikultura and pangisdaan. 

Bitbit ang layunin ng sama-samang pagkilos tungo sa masaganang komunidad, ang DA-BSWM at LGU Abucay ay magkatuwang sa pagtatayo at pagpapanatili ng magandang kondisyon ng Sustainable Land Management Exemplar Sites (SLMES) sa upland areas ng bayan ng Abucay. 

Ang DA-BSWM ay pinangungunahan nina Director Gina Parde-Nilo, PhD at Assistant Director Denise A. Solano.  via Ghar Christian R. Tesorero

#DA #BSWM #MasaganangAgrikultura #MaunladNaEkonomiya #BagongPilipinas #ParaSaMasaganangBagongPilipinas

(Ghar Christian R. Tesorero, SCMD)