Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng napapanatili at makakalikasang agrikultura, ipinagkaloob ng Department of Agriculture–Bureau of Soils and Water Management (DA-BSWM) ang dalawang Composting Facilities for Biodegradable Wastes (CFBW) at isang solar set sa lalawigan ng Camarines Norte noong Setyembre 28, 2026, sa Barangay Guinacutan, Labo, Camarines Norte.

Isinagawa ang pamamahagi sa pakikipagtulungan ng Provincial Local Government Unit (PLGU) ng Camarines Norte, sa pangunguna ni Governor Ricarte “Dong” Padilla, at ng Department of Agriculture–Regional Field Office 5 (DA-RFO 5), sa pamumuno ni Director Rodel P. Tortilla, RAgr, MaBE. Dinaluhan din ang aktibidad ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., na nagpapatibay sa suporta ng Kagawaran ng Agrikultura sa pagpapalakas ng mga programang naglalayong mapabuti ang kabuhayan ng mga magsasaka at pangalagaan ang likas na yaman.

Layunin ng mga pasilidad na ito na isulong ang wastong pamamahala ng mga nabubulok na basura at suportahan ang produksyon ng mga organikong soil amendments na makatutulong sa pagpapabuti ng kalidad ng lupa at pagsusulong ng napapanatiling pagsasaka.

Sa pamamagitan ng mga interbensyong ito, patuloy na isinusulong ng DA-BSWM ang pangangalaga sa yamang-lupa, responsableng pamamahala ng mga likas na yaman, at paggamit ng mga makakalikasan na pamamaraan upang suportahan ang mas produktibo at napapanatiling sektor ng agrikultura. | via Ara Sanpascual

#DA #BSWM #MasaganangAgrikultura #MaunladNaEkonomiya #BagongPilipinas #ParaSaMasaganangBagongPilipinas