Sa pangunguna ng Department of Agriculture – Bureau of Soils and Water Management (DA-BSWM) Soil Conservation Management Division (SCMD) isinagawa ang serye ng farm layout activities sa Eastern Mindanao Biodiversity Corridor (EMBC) bilang paghahanda sa pagtatag ng mga Sustainable Land Management Exemplar Sites (SLMES). Nakilahok sa aktibidad ang Cassava Women’s Tribal Association sa CADT 223 Brgy. Pangyan Trento, Agusan del Sur noong Abril 27 – Mayo 1, 2026 at ang Bahi Indigenous People’s Association at Langawisan-Bahi Tribal Association sa CADT 019 Maragusan, Davao de Oro noong  Mayo 11 – 22, 2026. 

Sa pakikipagtulungan sa Local Government Unit (LGU) ng mga nasabing bayan, at sa aktibong pakikibahagi ng mga miyembro ng komunidad, kabilang ang Tribo ng Manobo sa Trento, Agusan Del Sur at Tribo ng Mansaka at Mandaya sa Maragusan, Davao De Oro, matagumpay na naisagawa ang farm layout. Nagsimula ito sa pagtalakay ng farm development plan na binuo mula sa naunang topographic survey at capacity building activities sa lugar, kung saan isinasaalang-alang ang mga angkop na soil conservation scheme at pananim ayon sa katangian ng lupa at kahilingan ng mga magsasaka. Sinundan ito ng demonstrasyon sa tamang paggawa at paggamit ng A-frame, isang instrumento na makakatulong sa pagtukoy sa natural na contour ng lupa.

Bahagi ng patuloy na implementasyon ng proyekto para sa pagtatatag ng SLMES ang nasabing aktibidad, na naglalayong isulong at palawakin ang sustinableng pamamahala ng mga lupang taniman. Layunin nito na mabawasan ang pababa ng kalidad ng lupa (land degradation) at  pag-agnas ng lupa (soil erosion) sa mga lupang ninuno (ancestral domain), habang isinusulong ang pangangalaga sa kalikasan at pagsuporta sa kabuhayan ng mga komunidad. | via Engr. Jeremiah Magallanes and Engr. Khyla Jhane Ibatan; Photos by: Junrex Henson, Engr. Johnry Cellan and Engr. Kurt Rhen Ming, SCMD

This initiative is part of the DENR-UNDP/GEF project on “Integrated Approach in the Management of Major Biodiversity Corridors in the Philippines” or BD Corridor Project, which seeks to operationalize integrated management of biodiversity corridors to generate multiple benefits, including effective conservation of globally threatened species and high conservation value forests, reduce land degradation and deforestation, promote Sustainable Land Management (SLM), and enhance local biodiversity-friendly livelihoods. 

The project is led by the Department of Environment and Natural Resources (DENR) with the Sustainable Land Management (SLM) component being implemented by the Department of Agriculture – Bureau of Soils and Water Management (DA-BSWM), in partnership with the United Nations Development Programme (UNDP) and funded by the Global Environment Facility (GEF 6).

“Ang inisyatibong ito ay bahagi ng proyektong DENR-UNDP/GEF na “Integrated Approach in the Management of Major Biodiversity Corridors in the Philippines” o mas kilala bilang BD Corridor Project. Layunin nitong maisakatuparan ang pinagsama-samang pamamahala ng mga biodiversity corridor upang makapaghatid ng iba’t ibang benepisyo tulad ng epektibong pangangalaga sa mga nanganganib na species at mga kagubatang may mataas na halaga sa konserbasyon, pagbawas ng pagkasira ng kalupaan at pagkalbo ng kagubatan, pagsusulong ng Sustainable Land Management (SLM), at pagpapalakas ng mga kabuhayang maka-biodiversity ng mga lokal na komunidad.

Pinangungunahan ang proyekto ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), habang ang bahagi para sa Sustainable Land Management (SLM) ay ipinatutupad ng Department of Agriculture – Bureau of Soils and Water Management (DA-BSWM), katuwang ang United Nations Development Programme (UNDP), at pinopondohan ng Global Environment Facility (GEF 6).”

#DA #BSWM #MasaganangAgrikultura #MaunladNaEkonomiya #BagongPilipinas #ParaSaMasaganangBagongPilipinas #SustainableLandManagement