Isinagawa noong Pebrero 25, 2026 sa bayan ng Sual, Pangasinan ang Adaptive Balanced Fertilization Strategy (ABFS) Harvest Festival ng Palay, sa Barangay Paitan West.
Lubos ang pasasalamat sa DA-Bureau of Soils and Water Management (BSWM) ng Presidente ng Paitan West- Utol Bugtong Farmers’ Irrigation Association na si Mr. Lee G. Buenaflor dahil nakamit nila ang 58% increase sa ani ng palay, sa tulong ng ABFS.



Panauhing Pandangal ang butihing maybahay ni Mayor Liseldo D.Q. Calugay, na si Mayora Gerly M. Calugay. Narito rin ang Hepe ng OPAG-Dasol na si Ms. Rona Frianeza at ang OIC Municipal Agriculturist Susan E. Rabara at ang kanyang Senior Agriculturist Ms. Rufa Joyce R. Villar.
Nagpaunlak din sa pagdalo si Mr. Aries B. Magat ng PREC Sual at ang Hepe ng NIA na si Mr. Eddie R. Paringit.
Ang naturang NSHP-ABFS Rice Harvest Festival 2026 ay inorganisa ng mga kinatawan mula sa BSWM, na pinangungunahan ng Team Leader ng Region I na si Engr. Angelica Ecito, kasama ang ilang mga technical staff mula sa Agricultural Land Management and Evaluation Division (ALMED).



