Matagumpay na naisagawa ang pagsasanay sa Sustainable Land Management (SLM) sa pangunguna ng DA-Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (DA-4K) Program. Bilang bahagi ng aktibidad, inimbitahan ang mga kawani ng DA–Bureau of Soils and Water Management (DA-BSWM) upang magsilbing mga resource person at magbahagi ng teknikal na kaalaman hinggil sa napapanatiling pamamahala ng lupa. Layunin ng pagsasanay na suportahan ang pagpapatupad ng incentive mechanism sa ilalim ng Biodiversity Corridor Project sa Occidental Mindoro at palakasin ang kakayahan ng mga kalahok sa paggamit ng mga sustenableng pamamaraan sa pangangalaga at pamamahala ng likas na yaman.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang Indigenous Peoples Organizations (IPOs) sa San Jose, Occidental Mindoro noong Mayo 26-28, 2026. Kabilang sa mga lumahok ang Alangan Mangyan Kabataan Farmer’s Association, Samahan ng Katutubong Buhid at Bangon, Gubatnon Pundasyon Malutoc Farmer’s Association, Calomintao Farmer’s Association, Samahang Magtatanim ng Iraya, at R. Benniec Fisherfolks and Farmers Agriculture Cooperative.

Sa isinagawang pagsasanay, tinalakay ang mga pangunahing konsepto at teknik ng Sustainable Land Management (SLM), partikular ang wastong pangangalaga at konserbasyon ng lupang sakahan sa mga bulubundukin at matataas na lugar ng Occidental Mindoro. Isa sa mga pangunahing paksa ang paggamit ng A-frame bilang isang instrumento sa pagtukoy ng contour lines batay sa likas na topograpiya ng lupa. Sa pamamagitan ng tamang pagmamarka ng mga contour line, maaaring maisagawa ang angkop na disenyo ng pagtatanim. Ang pamamaraang ito ay nakatutulong sa pagbabawas ng pagguhao ng lupa (soil erosion) at pagpapabuti ng produktibidad ng sakahan. Higit sa lahat, nakatutulong ito sa pagtataguyod ng pangmatagalang konserbasyon ng likas na yaman.

Layunin ng proyektong ito na gawing modelo at inspirasyon ang mga komunidad sa Occidental Mindoro sa pagsasabuhay ng mga gawaing sumusuporta sa pagbabalik ng sigla ng lupa at pangangalaga sa likas na yaman. Sa pamamagitan ng ganitong mga pagsasanay, mas napagtitibay ang pagtutulungan ng pamahalaan at ng mga katutubo tungo sa pagbuo ng isang mas luntian, masagana, at matatag na kinabukasan. Ang ganitong mga hakbang ay sumasalamin sa DA-4K Program at DA-BSWM na maging tunay na kaagapay ng bawat magsasaka at katutubo sa pagkamit ng masaganang ani, maunlad na kabuhayan, at ligtas na kapaligiran. | via Jodel P. Barraca, SCMD 

This initiative is part of the DENR-UNDP/GEF project on “Integrated Approach in the Management of Major Biodiversity Corridors in the Philippines” or BD Corridor Project, which seeks to operationalize integrated management of biodiversity corridors to generate multiple benefits, including effective conservation of globally threatened species and high conservation value forests, reduce land degradation and deforestation, promote Sustainable Land Management (SLM), and enhance local biodiversity-friendly livelihoods. 

The project is led by the Department of Environment and Natural Resources (DENR) with the Sustainable Land Management (SLM) component being implemented by the Department of Agriculture – Bureau of Soils and Water Management (DA-BSWM), in partnership with the United Nations Development Programme (UNDP) and funded by the Global Environment Facility (GEF 6).

#DA #BSWM #MasaganangAgrikultura #MaunladNaEkonomiya #BagongPilipinas #ParaSaMasaganangBagongPilipinas