Isang mahalagang araw at makabuluhang hakbang para sa sektor ng agrikultura ang naganap para sa mga magsasaka sa Dolores, Eastern Samar noong Setyembre 29–30, 2026. Matagumpay na isinagawa ang isang malawakang pagtitipon, pagsasanay, at pagdiriwang ng Harvest Festival para sa Rice Derby sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture – Bureau of Soils and Water Management (DA-BSWM), DA Regional Field Office 8 (DA-RFO 8), at ng Lokal na Pamahalaan (LGU) ng Dolores.
Sa ilalim ng temang “Enhancing Strategy Towards Expanding Productivity in Rice Farming in Eastern Samar,” nagtipon-tipon ang higit kumulang 200 na lokal na magsasaka, extension workers, at mga dalubhasa sa agrikultura upang talakayin at ibahagi ang mga makabagong estratehiya sa pagpapalakas ng ani at pagpapalago ng sakahan ng palay sa buong lalawigan.
Sentro sa naging aktibidad ang pagsusulong ng Adaptive Balanced Fertilization Strategy (ABFS), isang siyentipiko at praktikal na pamamaraan ng wastong pamamahala sa nutrisyon ng lupa. Sa kasalukuyan, umabot na sa 75 ektarya (hectares) ng sakahan ang nasakop ng proyektong ito sa Dolores, na direktang nagbigay-pakinabang sa 90 benepisyaryong magsasaka. Sa pamamagitan ng ABFS, iniaayon ang uri, dami, at panahon ng paglalagay ng pataba batay sa tiyak na pangangailangan ng lupa at ng pananim upang maiwasan ang labis na paggastos at mapangalagaan ang kalikasan.
Sa pamamagitan ng pinagsamang lakas ng pambansang pamahalaan at ng lokal na pamayanan, layunin ng inisyatibong ito na pataasin ang ani at mas palakihin ang kita ng bawat pamilyang magsasaka, panatilihing malusog at produktibo ang ating mga lupang sakahan para sa mga susunod pang henerasyon at patuloy na patatagin ang pangkalahatang seguridad sa pagkain sa buong probinsya ng Eastern Samar.
Taus-pusong pasasalamat at saludo ang ating ipinaaabot sa sipag, tiyaga, at dedikasyon ng ating mga magsasaka, pati na rin sa walang sawang suporta ng ating mga katuwang na ahensya na patuloy na naglilingkod para sa kaunlaran ng agrikultura.
Mabuhay ang Magsasakang Pilipino! | Author by: Christine Joy Lasola; Photo by: Simon Gabao, Laboratory Services Division
#DA #BSWM #MasaganangAgrikultura #MaunladNaEkonomiya #BagongPilipinas #ParaSaMasaganangBagongPilipinas #NSHP #ABFS #RiceDerby #HarvestFestival #DoloresEasternSamar


























