Sa loob ng tatlong araw, nagsama-sama ang mga kinatawan mula sa DA-RFO, LGU, farmer-cooperator ng mga Rehiyon ng II, IV-A, V, VII, X, XII, National Corn Program (NCP), at DA-Bureau of Soils and Water Management (DA-BSWM) technical team na Soil Conservation and Management Division (SCMD), na pinangunahan ni Mr. Ace Wilfred R. Abarro II, SLM-Corn Project Focal, at Soil and Water Resources Research Division (SWRRD) upang suriin ang progreso ng SLM-Corn Project at maglatag ng mas malinaw na direksyon para sa 2026.

Nagbigay din ng mahahalagang suhestiyon si Dr. Candido Damo, consultant ng NCP, tungkol sa paraan ng pagpapatupad ng proyekto at sa mga naipakitang best practices sa bawat rehiyon. Nagbigay rin ng kanyang mensahe ng suporta sa proyekto si Mr. Paul Vincent Balao, na dumalo sa site tour upang ipakita ang pinakamahusay na pamamaraan at hedgerows sa SLME sa Nagtipunan. Katuwang din sa buong pagpapasinaya ng tatlong araw na workshop si Mr. Mark Louis Tega, APCO ng DA-RFO II.

Higit pa sa datos at ulat, naging mahalagang espasyo ito ng masinsinang talakayan ng mga datos, hanggang sa mga hamon sa pagpapatupad ng proyekto sa bawat rehiyon. Ang mga naitalang pagtaas ng ani sa ilang rehiyon at naipakitang magandang benepisyo ng SLM technologies sa SLME sa Nagtipunan, Quirino ay patunay na ang maayos at siyentipikong pamamahala ng lupa ay may konkretong benepisyo para sa ating mga magsasaka. 

Ang pangmatagalang tagumpay ay nakasalalay hindi lamang sa produksyon, kundi sa matibay na institusyonalisasyon: malinaw na patakaran, responsableng pamamahala, standardisadong monitoring at evaluation, at ganap na integrasyon ng SLM sa lokal na pagpaplano at pamumuhunan.

Sa pagtatapos ng workshop, nagbigay si Ms. Denise A. Solano, Assistant Director ng DA-BSWM, ng isang makabuluhang mensahe ng inspirasyon na higit pang nagpatibay sa pananagutan ng bawat kalahok. Ang kanyang pahayag ay naglatag ng mas malinaw na direksyon tungo sa sistematiko, koordinado, at epektibong pagpapatupad ng programa. Bawat rehiyon ay nag-uwi ng mas matibay na pangako at mas malinaw na landas upang isulong ang mas maayos, organisado, at matagumpay na pagsasakatuparan ng mga layunin ng programa.

Ang layunin ay nananatiling buo: pangalagaan ang lupa, patatagin ang agrikultura, at bigyang-lakas ang magsasaka | Via: Vielle Guillermo, SCMD

#DA #BSWM #MasaganangAgrikultura #MaunladNaEkonomiya #BagongPilipinas #ParaSaMasaganangBagongPilipinas