Kaugnay ng pagpapalawak ng kaalaman sa Sustainable Land Management (SLM) sa ilalim ng Manila Bay Rehabilitation Project (MBRP), nagsagawa ng Technical Briefing ang DA-Bureau of Soils and Water Management (DA-BSWM) sa mga lokal na pamahalaan ng Rizal noong Mayo 12, 2026 sa Antipolo City. 

Sa pangunguna nina Engr. Eduardo V. Alberto at Engr. Jemar G. Raquid ng Soil Conservation and Management Division (SCMD), tinalakay ang iba’t ibang usapin gaya ng Land Degradation at ang kaugnayan nito sa Manila Bay Watershed, kung saan kabilang din ang probinsya ng Rizal. 

Binigyang-linaw rin ni Ms. Regine Marie B. Sabornido ng Agricultural Land Management and Evaluation Division (ALMED) ang Strategic Agriculture and Fisheries Development Zones (SAFDZ) at ang kahalagan nito sa pagsasagawa ng Comprehensive Land Use Plans (CLUP). 

Dagdag pa rito, nagkaroon ng Workshop on Land Degradation at Forum kung saan ang mga kalahok mula sa Agriculture Office, Environment and Natural Resources Office at Planning and Development Office ng Rizal ay nagbahagi ng kani-kanilang paglilinaw at suhestyon ukol sa mga nabanggit na talakayan.

Upang mas palawigin ang impormasyon sa SLM at MBRP, binigyang-diin nina Ms. Lenieann M. Torres, Mr. John Renzh P. Acta, Mr. Ghar Christian R. Tesorero at Engr. Mary Jemwill L. Lopez ang mga inisyatibo sa ilalim ng SLM kasama ang mga gawain at pamantayan sa implementasyon ng MBRP. 

Ang aktibong partisipasyon mula sa mga nabanggit na opisina ay isang patunay na ang layunin ng mga programa ay maisasakatuparan sa lakas na pinagsama-sama. | via Ghar Christian R. Tesorero, Photos by: Engr. Mary Jemwill L. Lopez, John Renzh P. Acta, and Ghar Christian R. Tesorero, SCMD

#DA #BSWM #MasaganangAgrikultura #MaunladNaEkonomiya #BagongPilipinas #ParaSaMasaganangBagongPilipinas