Narito ang 5 simpleng tips para mas maging epektibo ang paggamit ng tubig sa inyong sakahan.


1. RAIN WATER HARVESTING (SAHOD ULAN) – Ang pag-iipon ng tubig-ulan ay nagbibigay ng karagdagang suplay ng tubig, lalo na sa mga panahon ng tagtuyot o kakulangan ng tubig. Binabawasan nito ang pagdepende sa groundwater at iba pang natural na pinagkukunan ng tubig, na maaaring maubos kung labis na ginagamit.
2. DRIP IRRIGATION (PATAK-PATAK NA SISTEMA NG IRIGASYON) – Ang drip irrigation ay tumutulong upang makatipid ng tubig sa pamamagitan ng pagbibigay lamang ng sapat na tubig na kailangan ng mga halaman. Pinapababa nito ang paggamit ng tubig dahil direkta itong ibinibigay sa ugat, at hindi naaapektuhan ng evaporation o runoff.
3. SOIL MULCHING (PAGLALAGAY NG MALTS SA LUPA) – Ang mulching ay tumutulong na mapanatili ang kahalumigmigan ng lupa, kaya hindi na kailangang madalas magdilig. Pinipigilan din nito ang erosyon o pagguho ng lupa at ang paglaki ng damo na maaaring makaagaw ng tubig at sustansya mula sa mga pananim.
4. CROP SELECTION (PAG PILI NG TAMANG PANANIM) – Sa pamamagitan nang pagtatanim ng mga pananim na angkop sa lokal na klima at dami ng tubig na maaaringmagamit, masisigurong hindi masasayang ang tubig at mas magiging produktibo ang sakahan. Tumutulong din ito sa pagbawas ng panganib ng crop failure sa panahon ng tag-init o tagtuyot.


5. Proper Irrigation Scheduling (Tamang Pag-iiskedyul ng Irigasyon) – Ang tamang iskedyul ng irigasyon ay tumutulong upang maiwasan ang sobrang paggamit ng tubig na maaaring magdulot ng pagkaubos ng suplay. nito. Sinisiguro rin nitong natutugunan ang pangangailangan ng pananim sa tamang panahon, na nagreresulta sa mas malusog at produktibong ani.