Aktibong nilahukan ng mga kinatawan mula sa ibaโt ibang munisipalidad at lungsod ng CAR ang aktibidad na โIntegration and Harmonization of SAFDZ into the CLUP and Cascading of DA – Memorandum Circular No. 26, Series of 2022โ, na ginanap noong Hunyo 16-20, 2025, sa Baguio City, Benguet, at Bangued, Abra. Ang aktibidad na ito ay inorganisa ng DA-Bureau of Soils and Water Management, sa pamamagitan ng Agricultural Land Management and Evaluation Division (ALMED).
Tinalakay sa naturang aktibidad ang mga pangunahing paksa tulad ng mga serbisyong inaalok ng BSWM batay sa Citizenโs Charter, ang integrasyon ng Strategic Agriculture and Fisheries Development Zones (SAFDZ) sa Comprehensive Land Use Plan (CLUP), at ang nilalaman at proseso ng pagkuha ng sertipikasyon alinsunod sa DA Memorandum Circular No. 26, Series of 2022. Tinalakay din ang Frequently Asked Questions (FAQs) kaugnay sa land use reclassification upang mas mapalalim ang kaalaman ng mga LGUs sa naturang proseso.












Ayon sa mga kalahok, ang aktibidad ay naging isang malaking oportunidad upang mas maunawaan ang mga teknikal at legal na aspekto ng paggamit at reclassification ng lupa. Sa kabuuan, nakatanggap ang aktibidad nang mataas na marka mula sa mga kalahok na nanggaling sa ibaโt ibang lalawigan at bayan โ patunay ng epektibo at makabuluhan ng isinagawang programa.
Bilang bahagi ng SEMLUR Project, patuloy na isinusulong ng DA-BSWM ang implementasyon ng DA MC No. 26, Series of 2022 sa buong bansa, sa pamumuno ng Technical Review Team (TRT) na binubuo ng mga eksperto at teknikal na tauhan mula sa ALMED. Layunin nito na gabayan ang mga LGU at iba pang mga aplikante na mas maging maayos, malinaw, at kapaki-pakinabang ang proseso ng land use reclassification sa ating bansa.
Para sa mga karagdagang kaalaman tungkol sa SEMLUR, mangyaring tawagan ang numerong 0927.968.2122 o mag-email sa bswm.trt@gmail.com.
(Mr. Neil Chester L. Alcoriza, ALMED)
#DA#BSWM#MasaganangAgrikultura#MaunladNaEkonomiya#BagongPilipinas#ParaSaMasaganangBagongPilipinas