Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang pamamahagi ng labing-anim na Mobile Soil Laboratory o MSL sa lahat ng DA-Regional Field Offices. Ginanap ang pamamahagi sa Philippine Rice Institute sa Science City of Munoz, Nueva Ecija nitong ika 30 ng Hunyo 2025 na dinaluhan ni DA Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., DA-BSWM Director Dr. Gina Parde-Nilo, iba pang opisyales mula Kagawaran ng Pagsasaka at iba pang mga benipisyaryo.
Alinsunod sa direktiba ng ating Pangulo, isinagawa ang pamamahagi ng MSL para sa lahat ng rehiyon upang mas matulungan ang mga magsasaka na maging handa sa hamon ng makabagong panahon habang sinisigurong malusog ang lupang sakahan na pundasyon ng mas mataas at mas masagang ani.
Maaalalang inilunsad ang kauna-unahang Mobile Soil Laboratory noong ika-6 ng Disyembre ng nakaraang taon sa Rehiyon III na kung saan nakapagsilbi na ng higit-kumulang 1,500 na mga magsasaka mula sa 42 munisipalidad, at nakapag-isyu na rin ng 362 na soil-health card at limang fertility maps.
#DA #BSWM #MasaganangAgrikultura #MaunladNaEkonomiya #BagongPilipinas #ParaSaMasaganangBagongPilipinas





