Ang Department of Agriculture – Bureau of Soils and Water Management (DA-BSWM), sa pangunguna ni Director Gina P. Nilo, ay nagsagawa ng pagsasanay  tungkol sa “Soil Fertility Treatment Localization and Location-Specific Cropping Pattern and Calendar para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na ginanap sa Cagayan de Oro City noong Hunyo 24-27, 2025.”

Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga indibidwal mula sa kinatawan ng iba’t ibang mga Local Government Unit/probinsya ng BARMM. Nagbigay ng  isang pambungad na mensahe si Director Gina P. Nilo at binigyang diin nya na kung gaano siya nagagalak at isang karangalan na makipagtulungan sa pagpapalawak pa ng mga proyektong makakatulong sa kabuhayan ng ating mga magsasaka sa BARMM partikular na sa Soil Health, Soil Laboratories, Composting Facilities and Small Scale Irrigation Projects at iba pang proyekto na nakapaloob sa DA-BSWM tungo sa pagkamit ng sustainable at data driven na pag-unlad ng agrikultura sa buong rehiyon.  Pinarangalan ang naturang workshop sa presensya at mensahe ng suporta ni Director Tong A. Abas, Director II of Research, Development, and Extension (RDE) Services, ng Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform (MAFAR), at bilang kinatawan ni Minister Abunawas L. Maslamama. Ipinagkaloob naman ni Dr. Dante Margate, Hepe ng Soil Survey Division, ang pagpapaliwanag hinggil sa layunin at kahalagahan ng nasabing aktibidad.

Ang workshop ay nagbigay ng mga makabagong kaalaman sa mga Local Government Units (LGUs) at mga kawani sa MAFAR-BARMM tulad ng Protocol on Soil Sample Collection for Fertility Assessment, Workshop on the Use of Soil Test Kit and Soil Analysis, FertRight Mobile Application, at Cropping Pattern and Calendar Tool. Mahalaga ang mga ito sa pagpapatupad ng mga climate-smart na hakbang sa agrikultura na naaangkop sa natatanging pangangailangan ng rehiyon, partikular sa mga lugar na may mababang nutrisyon ng lupa sa produksyon ng palay at mais.

Sa pamamagitan ng pagbibigay-lakas sa mga komunidad gamit ang mga estratehiyang batay sa datos at lokasyon, binibigyang-diin ng inisyatibong ito ang kahalagahan ng likas-kayang pamamaraan ng pagsasaka upang matiyak ang seguridad sa pagkain hindi lamang para sa MAFAR-BARMM kundi pati na rin sa buong bansa. Sama-sama nating pangalagaan ang mas malusog na mga lupa at paghandaan ang matatag na kinabukasan ng agrikultura.

-PAFES BARMM Team (A. Loberiano, J.D.  Pacariem, M. Tenedero, J. Nicanor & D. CJ.  Dela Cruz)

#DA #BSWM #MasaganangAgrikultura #MaunladNaEkonomiya #BagongPilipinas #ParaSaMasaganangBagongPilipinas